For my writing exercises, I was required to work with one character, based on a stranger I have observed. Many of the posts in this blog will feature this particular character. Here is a profile of him:
Description: Joselito Bollozos a.k.a. Toting a.k.a. Bungal is a pedicab driver who plies the Vito Cruz-Taft area. He is 38 years old but looks older. He is thin and dark skinned, with unruly hair, and almost no front teeth left. He has a wife, Marina; and three kids, Josephine, Marian, and Marijo.
Height/Weight: 5’6. 130 lbs. Payat buhat nang pagkabata.
Sex: Lalake.
Hair: Abot hanggang batok na anghaba ng buhok niya kaya’t minsan ay tinatalian na niya ito ng lastiko, lalo na kapag mainit. Kulang brown itoang kalahati nito dahil sa minsang pag-eeksperimento ng asawa niya sa pangkulay. Nawala rin kaagad ang galit niya dahil naging katuwaan ng mga anak niya ang kulay ng kanyang buhok.
Dress: Sandong dating kulay puti ngunit naninilaw na sa kalumaan at mga mantsang ayaw matanggal. Basketball shorts na dilaw na maluwang sa payat niyang hita.
Body: Halos patpatin, ngunit malakas naman.
Shoes: Manipis na tsinelas, kulay pula.
Face: Payat at sunog sa araw. Mukhang masungit dahil madalas ay nakatikom ang bibig, ngunit ang totoo’y iniiwasan lamang ang pagbuka ng bibig dahil bungal at walang pambili ng pustiso.
Mouth: Manipis ang kanyang mga labi at nangingitim dahil sa sigarilyo. Laging nakatikom ang bibig dahil nahihiya.
Describe the usual poses for:
- Hands/gestures: Madalas na nakapamulsa o di kaya’y nakahawak sa yosi ang isang kamay. Mahilig mag “pakyu” sign bilang pagbati sa mga kapwa pedicab drayber.
- Feet/legs: Maluwang ang pagkatatayo. Mahina ang tuhod kaya’t di makapirmi sa iisang posisyon lamang dahil mabilis mangalay Madalas na nakasandal sa pedicab o sa pader.
- Torso/head: Diretso ang katawan at diretso din kung makatingin.
Build: Patpatin.
Arms/legs: Payat at mahahaba ang mga braso at hita. Sunog sa araw ang balat.
Imperfections: Halos wala nang ngipin sa itaas, tatlo na lamang ang natitira, ngunit walang pambiling pustiso buhat nang masira ‘yung nauna dahil nahulog sa sahig habang nililinis at naapakan.
Age: 38, ngunit mukhang mas matanda kaysa edad.
Birth date: Hunyo 19, 1975
Birthplace: Dagat-dagatan sa Caloocan, pero lumipat sa Dominga sa Pasay ang pamilya nu’ng siya’y bata pa.
Home exteriors (grounds, surroundings, outbuildings, etc.): Maliit lang na hugis kahon ang tinitirhan nilang bahay. Gawa ito sa tagpi-tagping hollow blocks, plywood, at yero. Si Marina ang pumili ng kulay na iyon, para malinis,habang siya naman ay madalas na naiisip na kulay nitso ang kanilang tinitirhan. Sa labas ng bahay nila ay may maliit na bakurang kasya lamang ang kanyang pedicab. May bakod na kawayan sa labas.
Home interiors (furnishings, carpets, floors, lighting, etc.): Pagpasok ng bahay ay sala agad ang mabubungaran, kung saan may kawayang sala set. Punit-punit na ang asul na linoleum sa kanilang sahig. Walang hapag-kainan sa bahay. Sa kanan ay may lababong nagsisilbi na ring kusina. Katabi nito ang pinto ng banyo. Sa kaliwa naman ay may maliit na kuwartong natatakpan ng kurtina. Iisang daylight saving na bumbilya lamang ang gamit sa buong bahay kaya’t medyo madilim sa loob.
Favorite room: Sala, sa ibabaw ng mahabang sofang gawa sa kawayan. Dito siya natutulog habang sina Marina ay nagsisiksikan sa maliit na kuwarto.
View outside window of this room: Labas ng Dominga sa Pasay. May isang bintana kung saan natatanaw niya ang kalye at ang bakal na gate ng kapitbahay.
Habits: Matulog nang naka-brip lamang tuwing mainit. Manguyakoy. Magmura habang nagkukuwento o nanonood ng TV.
Vehicles, if any: Pedicab na kulay asul na nabili niya sa naipong pera noong nagtatrabaho pa siya sa construction. May nakasulat na “Commit to the Lord everything that you do and your plants will succeed” na nagkamaling ginawa nu’ng pinagpagawaan niya kaya naka-discount siya. Madalas itong kinukuhanan ng litrato at pinagtatawanan ng mga estudyanteng nakakabasa.
Name: Joselito Bollozos alyas Toting o alyas Bungal (para sa mga matatapang na tanggapin ang kanyang mura at sapak). Ipinangalan siya kina Jose Rizal (dahil sabay sila ng kaarawan) at sa kanyang amang si Lito Bollozos.
Contents of pockets: Dalawang stick ng Hope at isang Maxx lemon.
Contents of bag: Walang bag.
Favorite verbal expressions: "Tangena", "Gago".
Favorite physical/facial expressions: "Pakyu" sign.
(Note: The template for this character profile form was provided by my professor.)
Panalo to: “Commit to the Lord everything that you do and your plants will succeed”.
ReplyDelete