My attempts at fiction for my Fiction Techniques and Fiction Workshop classes. Feedback welcome.
October 25, 2013
The "Victim's" Mother's Account, A Few Weeks After
“Loleng, pagbilhan nga ng yelo! Aba’y naubusan na naman ako, nandyan pa naman si Janine at ang boypren niya ngayon. Pinapatay kasi namin ang ref namin sa gabi dahil grabe kung lumamig.”
“’Ay, ‘ayun, nakita mo namang ayos na, ah. Sa makalawa ay tatanggalin na raw ang cast nu’n. Babalik naman daw sa normal.”
“Naku, Loleng, kung nakita mo lang ako nu’ng magkaharap kami ng putang inang bakla sa presinto. Aba’y para siyang maamong tupa at ako nama’y pinakawalang tigre. Pinagsasampal ko nga at sinabunutan; di naman ako inawat ng mga pulis! Ay, kung sa kanila nangyari ‘yun ay tiyak ganu’n din magwala ang mga nanay nila.”
“’Yung boypren ni Janine abogado ‘yun, ah, di ba sabi ko? Siya ang tumulong sa’min. Aba’y ang suwerte, di ba? Ay, hindi pa mag-aasawa ‘yun! Di ba’t nasa second year pa lang ‘yun ng Law. Ay nangako ‘yun sa amin ni Lutgardo na tutulungan pa niya kami sa pagpapa-aral kay Bunso.”
“Ay, ‘ayun, paminsan-minsa’y umuuwi pa ring galit dahil natutukso sa eskwela. Pero pinagsabihan ko na ang mga teacher na sawayin naman nila ang mga nanunukso. Ay, na-rape na nga ay babastusin pa. Pero alam mo naman kasi ang mga bata. May pagka-luku-luko talaga!”
(Note: This story draft is based on the tabloid news above. For this set of exercises, I was tasked to write stories from one point of view—in this case, the “victim’s” mother—but as she tells the story at different times.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment