October 25, 2013

The "Victims" Mother's Account, A Few Hours After



“Janine, anak, makakauwi ka ba ngayon? Wala ba kayong exam, anak? Ay, umuwi ka sana, ‘nak, sige na!”

“Ay, paanong di ako iiyak, ‘nak! Ang kapatid mo! Si Bunso, ni-rape ng bakla!”

“‘Ayun, dinala ng Tatay mo sa ospital, kinagat daw kasi ‘yung titi! Ay nagkulay-talong na. Paano kung ipaputol ng doktor ‘yun?”

“Makakasuhan ba natin ng rape ‘yun, ‘nak? Kahit lalake sa lalake?”

“‘Si Marie, ‘yung mananahi! ‘Yung pinagpapatahian natin ng uniporme mo nu’ng high school? Ang putang inang ‘yun! Kakalbuhin ko ‘yun ‘pag nakita ko! Ang lakas pa ng loob na bigyan ng one thousand ‘yung kapatid mo! Ano ‘yun, bayarang lalake? Pagkatapos niyang lapastanganin ay patatahimikin niya nang pera?”

“Lintik din naman kasi ‘yung kapatid mo! Ay, siya pa pala itong pumunta sa bahay nu’ng bakla! Pero di bale, palalabasin kong pinapunta lang siya doon! Aba’y dose pa lang siya. Wala akong pakialam kung ang katawan niya’y pang-disi-otso!”

“Ano, ‘nak, anong oras ka darating? Mag-jeep ka na lang para nandito ka na nang tanghali. Kaya mo ba? At pagkatapos ay pumunta na tayo sa presinto kaagad.”


(Note: This story draft is based on the tabloid news above. For this set of exercises, I was tasked to write stories from one point of view—in this case, the “victim’s” mother—but as she tells the story at different times.)

No comments:

Post a Comment