My attempts at fiction for my Fiction Techniques and Fiction Workshop classes. Feedback welcome.
October 25, 2013
The "Victim's" Mother's Account, While The Story Is Happening
Nagising akong may humihikbi sa banyo. Akala ko’y minumulto ako. Paano’y madilim pa sa labas nu’ng sumilip ako sa bintana. Maya-maya ang hikbi’y naging nguynguy. At parang boses yata ni Bunso? Kumatok ako sa pinto bago pinihit ang seradura. Nakaupo sa bowl si Bunso, walang salawal!
“Nay”, iyak niya pagbukas ko ng pinto. “Nay, ang sakit, Nay.” Itinuro niya ang titi niya.
“Ano’ng problema, mo?”
Paglapit ko ay saka ko nakitang kulay talong na ang kalahati nito.
Bumilis ang tibok ng puso ko. “Ay, anak, ano’ng nangyari? Ano’ng nangyari sa’yo?”
“Kinagat ng bakla, Nay.” Inihilamos niya sa kanyang mukha ang isa niyang kamay.
“Kinagat ng bakla?” Tumaas ang boses ko. “Anong kinagat ng bakla? Sinong bakla? Puta kang bata ka, ano’ng ginawa mo?”
Huminga ako nang malalim para mahimasmasan. Naramdaman ko na kaagad ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Maya-maya lang ay mahihilo na ako nito, tiyak.
“Nay, saka ka na magalit, Nay. Ang sakit talaga, Nay.”
(Note: This story draft is based on the tabloid news above. For this set of exercises, I was tasked to write stories from one point of view—in this case, the “victim’s” mother—but as she tells the story at different times.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment