Kung totoo ang sinabi sa kanya ni Vincent, sa susunod na linggo ay hindi na niya puproblemahin pa ang pambili niya ng Air Jordans ni Jeremy. Sayang kasi. Natawaran na niya ito nang tatlong libo, at kasyang-kasya ito sa kanya kahit masikip naman kay Jeremy na ilang buwan din itong hinintay ipadala ng tiyahin galing sa Canada.
Alam niyang di siya maibibili nu’n ng Tatay at Nanay niya. Kahit kasi buong maghapon na sa palengke sa pagtitinda ng gulay ang dalawa ay kulang na kulang pa rin ang kinikita nila sa kanilang dalawang magkakapatid, lalo’t sa bayan nag-aaral ng abogasya ang ate niya, at siya nama’y sa private school pumapasok.
Sabi ni Vincent, galante daw si Maritoni. ‘Yun ang tawag niya sa bakla dahil Marie ito bilang babae at Tony naman bilang lalake. Five hundred daw ang bigay nito bawat dalaw. Marami raw itong pera dahil may-ari ito ng mga paupahang apartment sa bayan at patahian sa kanila.
Hindi naman siya kinakabahan. Sabi kasi ni Vincent mabait naman ‘yung bakla. Inabutan niya itong nanonood ng TV Patrol nu’ng Biyernes na ‘yun. Sabi niya sa kanila ay manonood sila ng sine nina Vincent kaya’t gagabihin siya pag-uwi.
“Pinapunta po ako ni Vincent, Ma’am.”
(Note: This story draft is based on the tabloid news above. For this set of exercises, I was tasked to write stories from various points of view.)
No comments:
Post a Comment