October 25, 2013

Story Based On Tabloid News: "Victim's" Female Classmate POV


1. Sa Science, tawa kayo nang tawa sa likod dahil bumabakat ang puwit ni Mr. Baldug tuwing nagsusulat siya sa blackboard.

2. Hindi mo hinalikan si Jenny nu’ng kinulong kayo nina Kenneth du’n sa dressing room sa likod ng gym. Pero buti nga. Bad breath kaya ‘yun!

3. Palagi kayong magkasama ni Kenneth. Kahit sa CR.

4. Nagpupulbo ka sa umaga. Minsan may mga naiiwan pang puti-puti sa may bandang anit mo ‘pag pumapasok ka sa school.

5. Mahilig ka sa basketball.

6. Minsan tinanong kita kung nag-lipstick ka ba kasi ang pula ng labi mo. Pinahid mo ng kamay ‘yung labi mo tapos sabi mo kumain ka lang ng Lipps na kendi kaya ganu’n.

7. Glitter ang pangalan ng aso mong pomeranian.

8. Paborito mong Panoorin sa TV ang Showtime tsaka Glee.

9. Palagi kang pinagagalitan ng Tatay mo pero ayos lang kasi kinakampihan ka naman ng Nanay at Ate mo.

10. Sabi ni Rex, ayaw ka na niyang kasamang manood ng horror kasi ang lakas mong sumigaw sa mga nakakatakot.


(Note: This story draft is based on a tabloid news previously posted. For this set of exercises, I was tasked to write stories from various points of view.)

No comments:

Post a Comment