October 25, 2013

The "Victims" Mother's Account, A Few Hours After



“Janine, anak, makakauwi ka ba ngayon? Wala ba kayong exam, anak? Ay, umuwi ka sana, ‘nak, sige na!”

“Ay, paanong di ako iiyak, ‘nak! Ang kapatid mo! Si Bunso, ni-rape ng bakla!”

“‘Ayun, dinala ng Tatay mo sa ospital, kinagat daw kasi ‘yung titi! Ay nagkulay-talong na. Paano kung ipaputol ng doktor ‘yun?”

“Makakasuhan ba natin ng rape ‘yun, ‘nak? Kahit lalake sa lalake?”

“‘Si Marie, ‘yung mananahi! ‘Yung pinagpapatahian natin ng uniporme mo nu’ng high school? Ang putang inang ‘yun! Kakalbuhin ko ‘yun ‘pag nakita ko! Ang lakas pa ng loob na bigyan ng one thousand ‘yung kapatid mo! Ano ‘yun, bayarang lalake? Pagkatapos niyang lapastanganin ay patatahimikin niya nang pera?”

“Lintik din naman kasi ‘yung kapatid mo! Ay, siya pa pala itong pumunta sa bahay nu’ng bakla! Pero di bale, palalabasin kong pinapunta lang siya doon! Aba’y dose pa lang siya. Wala akong pakialam kung ang katawan niya’y pang-disi-otso!”

“Ano, ‘nak, anong oras ka darating? Mag-jeep ka na lang para nandito ka na nang tanghali. Kaya mo ba? At pagkatapos ay pumunta na tayo sa presinto kaagad.”


(Note: This story draft is based on the tabloid news above. For this set of exercises, I was tasked to write stories from one point of view—in this case, the “victim’s” mother—but as she tells the story at different times.)

The "Victim's" Mother's Account, While The Story Is Happening


Nagising akong may humihikbi sa banyo. Akala ko’y minumulto ako. Paano’y madilim pa sa labas nu’ng sumilip ako sa bintana. Maya-maya ang hikbi’y naging nguynguy. At parang boses yata ni Bunso? Kumatok ako sa pinto bago pinihit ang seradura. Nakaupo sa bowl si Bunso, walang salawal!

“Nay”, iyak niya pagbukas ko ng pinto. “Nay, ang sakit, Nay.” Itinuro niya ang titi niya.

“Ano’ng problema, mo?”

Paglapit ko ay saka ko nakitang kulay talong na ang kalahati nito.

Bumilis ang tibok ng puso ko. “Ay, anak, ano’ng nangyari? Ano’ng nangyari sa’yo?”

“Kinagat ng bakla, Nay.” Inihilamos niya sa kanyang mukha ang isa niyang kamay.

“Kinagat ng bakla?” Tumaas ang boses ko. “Anong kinagat ng bakla? Sinong bakla? Puta kang bata ka, ano’ng ginawa mo?”

Huminga ako nang malalim para mahimasmasan. Naramdaman ko na kaagad ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Maya-maya lang ay mahihilo na ako nito, tiyak.

“Nay, saka ka na magalit, Nay. Ang sakit talaga, Nay.”


(Note: This story draft is based on the tabloid news above. For this set of exercises, I was tasked to write stories from one point of view—in this case, the “victim’s” mother—but as she tells the story at different times.)

Story Based On Tabloid News: Omniscient Narrator POV



Kung totoo ang sinabi sa kanya ni Vincent, sa susunod na linggo ay hindi na niya puproblemahin pa ang pambili niya ng Air Jordans ni Jeremy. Sayang kasi. Natawaran na niya ito nang tatlong libo, at kasyang-kasya ito sa kanya kahit masikip naman kay Jeremy na ilang buwan din itong hinintay ipadala ng tiyahin galing sa Canada.

Alam niyang di siya maibibili nu’n ng Tatay at Nanay niya. Kahit kasi buong maghapon na sa palengke sa pagtitinda ng gulay ang dalawa ay kulang na kulang pa rin ang kinikita nila sa kanilang dalawang magkakapatid, lalo’t sa bayan nag-aaral ng abogasya ang ate niya, at siya nama’y sa private school pumapasok.

Sabi ni Vincent, galante daw si Maritoni. ‘Yun ang tawag niya sa bakla dahil Marie ito bilang babae at Tony naman bilang lalake. Five hundred daw ang bigay nito bawat dalaw. Marami raw itong pera dahil may-ari ito ng mga paupahang apartment sa bayan at patahian sa kanila.

Hindi naman siya kinakabahan. Sabi kasi ni Vincent mabait naman ‘yung bakla. Inabutan niya itong nanonood ng TV Patrol nu’ng Biyernes na ‘yun. Sabi niya sa kanila ay manonood sila ng sine nina Vincent kaya’t gagabihin siya pag-uwi.

“Pinapunta po ako ni Vincent, Ma’am.”


(Note: This story draft is based on the tabloid news above. For this set of exercises, I was tasked to write stories from various points of view.)

Story Based On Tabloid News: "Victim's" Mother POV



Lutgardo, ano ba ito, ay, hindi naman yata nakabubuti itong yelo, eh! Dalhin mo na itong si Bunso sa ospital, sige na. ‘Wag ka ngang magsalita nang ganyan! Saka mo na pagalitan itong anak mo, nakita mo na ngang nasasaktan na, ay!

Ay alam mo namang di ako puwede sa ospital! Aba’y baka ako pa ang maunang mangailangan nang doktor kaysa dito sa anak natin! Ngayon pa nga lang ay naninikip na ang dibdib ko.

Ikaw naman kasi Patrick, Bunso, ano ba itong pinasok mo? Ay, anak, bakla ka ba? Ba’t mo naman kami binigyan ng ganitong sakit ng ulo ng Tatay mo?

Naku, puta ka, itago mo ang perang ‘yan! ‘Wag mong maabut-abot sa akin ‘yan! Ang walang-hiyang baklang ‘yun, ginawa kang bayarang lalake, dose ka pa lang!

Lutgardo, ano ba, magbihis ka na! Ay, sadyang mapuputol na itong titi nitong anak mo, kalmadong-kalmado ka pa d’yan! Aba’y kulay talong na, tingnan mo!

Naku, Patrick, tigilan mo ako sa kaiiyak mo! Kung di ka pumunta sa bahay ng baklang ‘yun ay di ito mangyayari! At para saan? Para sa lintik na sapatos lamang. ‘Ayan, magsuot ka ng sapatos paglabas mo ng ospital nang wala ka nang titi. Tingnan ko lang kung ‘yung sapatos mo ang pag-uusapan nang mga tao o ‘yung titi mong wala.


(Note: This story draft is based on the tabloid news above. For this set of exercises, I was tasked to write stories from various points of view.)

Story Based On Tabloid News: "Victim's" Neighbor POV



OMG, friend, narinig mo na ba ang latest? Halika, pabasa ko sa’yo, dali! Wait, nasa’n na nga ba ‘yung tabloid? Ayan, there, oh! “Beki, nanggigil; ari ni totoy, muntik maputol”. WTF, right?

But it gets better! You know, the victim pala is our neighbor! That’s right! ‘Yung nakatira d’yan sa tapat! Infer, ang guwapo nu’ng batang ‘yun, ha? Pucha, dose pa lang pala. I’ve been eyeing him from afar kasi ang tangkad, eh. At ang pogi talaga ni kuya! But WTF, muntik na daw maputol ang birdie niya. Deformed na kaya ‘yun ngayon?

How did I know? Hello, may pakpak ang balita, may tenga ako! Hahaha. Eh, di siyempre, si Aling Loleng of the friendly neighborhood sari-sari store ang nag-tsismis! Nagkuwento daw ‘yung nanay ni Patrick bago nila dalhin sa ospital ‘yung bata. Bumili daw kasi ng yelo ‘yung nanay para sa nag-kulay talong na birdie ni kuya. Nakakaloka, di ba?

Alam mo, duda nga ako sa rape kuwento, eh. Kasi he’s so big kaya! I mean, how big would the ateh be to overpower him and take off his pants, di ba? And while the deed is happening, can’t he escape? Eh, di sana pinalo niya sa ulo si ateh while she’s sucking him off, di ba? I’m thinking maybe he enjoyed it, ‘no? Whatchathink? Does your birdie, like, stand, even if you don’t like the person playing with it? Like, if your most hated person tried touching it and sucking it, would it stand? OMG, it would? Yuck, you’re such kadiri creatures talaga!


(Note: This story draft is based on the tabloid news above. For this set of exercises, I was tasked to write stories from various points of view.)